top of page
Our story

BAYANING OFW:


May ibat ibang klase ng hanap buhay sa ibat ibang bansa, kagaya na lamang dito sa Gitnang Silangan. Marami tayong kababayan ang may mga magagandang kompanya na napasukan mayroon rin naman na hindi pinalad. Ang ilan sa karaniwan na magandang trabaho na aking naobserbahan sa Gitnang Silangan ay ang mga tinatawag na Professional Job o ang tinatawag nilang mga Doctor, Nurse, Teacher Engineer, Accountant at kung mayroon akong nakaligtaan ay pakidagdagan na lamang, na hindi bababa sa sweldong kanilang natatanggap sa kanilang kompanyang pinapasukan ay halagang 3,000 riyals o 10,000 riyals na may katumbas na halaga sasa peso ay 39,000 o 130,000 o mas higit pa depende ssa plaitan ng merkado at may sariling accomodation o maayos na tirahan , ang ilan naman ay ang tinatawag na KADAMA o kasambahay na kung minamalas malas ka ay hindi maiiwasan na ikaw ay maabuso at tumatanggap naman ng sweldong 1,000 riyals hanggang 2,000 riyals o may katumbas na halagang 13,000 Pesos hanggang 16,000 pesos depende sa palitan, may maayos rin naman na tirahan depende sa amo. Mayroon rin naman mga kahera sa mga shopping mall na tumatanggap ng sweldong naglalaro sa 1,200 riyals hanggang 1,800 riyals na may katumbas  na 16,000 pesos hanggang 22,000 pesos depende sa palitan, na mayroong tirahan na 4 hanggang 8 sa isang kwarto. Data Encoder, Admin Assistant, ,mga laborer sa mga construction company na may tirahan kagaya ng tirahan ng mga kahera sa mga shopping mall.

​

Bakit ito ginawa? 


Sa kadahilanan na gusto nating ipakita ang tunay na katayuan ng bawat OFW na kababayan natin na naghahanap buhay upang itaguyod ang pamilya at hindi lahat ng nasa ibang bansa ay nakakatagpo o nakakakuha ng maayos na trabaho o makataong pagtrato sa kanilang mga employer lalo na ang mga kasambahay.

Kung ikaw ,ako , tayo ay may magagawa kahit man lang bigyan ng isang parangal o pagkilala ang isa natin kababayan na OFW na uuwi sa ating bayan pagkatapos ng kanyang mahabang paninilbihan sa ibang bansa sana huwag natin itong ipagkait sa ating mga MAHAL na KABABAYAN. Hindi isang ispesyal na trato ang tinutukoy natin, ito lamang po ay yung maliit na bagay.

​

Halimbawa: Kapag magbabakasyon ang isa natin kababayan o manunumbalik na sa ating bayan maaari po ba kahit yung isang libreng masasakyan lamang ng kanyang pamilya sa pagsundo sa paliparan o airport ay ating mailibre o maihandog sa ating mga OFW na kababayan o Isang munting salo salo kasama ng OFW ang kanyang mga MAHAL na Pamilya (kung napanood ninyo ang isang handog ng kompanyang Coca Cola sa mga OFW), o kung ang isa naman natin na kababayan na OFW ay nakapagpatapos ng kanyang anak sa pamamagitan ng kanyang pagtatiyaga at pagsusumikap sa abroad ay nabigyan niya ng magandang edukasyon ang kanyang anak ay mabigyan natin siya ng isang pagkilala sa pamamagitan ng sertipikasyon na kanyang matatanggap galing sa ating Bahay Pamahalaan o kung may mas maganda pa kayong ideya ay mas mabuti.

​

Hindi ko ito isinulat dahil ako ay isang OFW dahil ilan araw na lamang ako ay hindi na OFW. Pero habang buhay kong Ipagmamalaki na ako ay naging isang OFW.

Isinulat ko ito para sa marami natin kababayan na OFW na nasa ibang dako ng mundo na nakikipagsapalaran upang maitaguyod at mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya.


Napakasarap sa pakiramdam ng isang OFW na matagal na hindi nakauwi sa kanyang MAHAL na Bayan lalo na ang ating Bayan ng Jaen at pag uwi niya ay pakiramdam niya ay maraming nagmamahal sa KANYA.

​

Sana po ay mabigyan ng PANSIN ang Ating mga MAHAL na OFW na Tubong BAYAN ng Jaen.

Nawa ay makarating ito sa ating Bahay Pamahalaan at sa Tulong narin ng Sanggunian Bayan ay ating Maisakatuparan

​

​

​

Gumagalang,

​

Raymond Laureano

Foundation 2 Teacher

Nord Anglia International School Al Khor
Building 3, Zone 74,Taimiyah Street
PO Box 60256, Al Khor, Qatar
Phone: +974 4437 9600 / 603

OFW Qatar

About Jaen OFW

  • White Facebook Icon
  • White Twitter Icon
  • White Instagram Icon
  • White YouTube Icon

Isang pagkilala sa mga OFW mula sa bayan ng Jaen, Nueva Ecija

May 30 ,2017

Email: jaenofw@gmail.com

Email: raymondlaureano21@yahoo.com

FB Account: Jaen OFW

FB Group: Jaen OFW Without Border

FB page: Jaen OFW Worldwide

website: jaenofw.wixsite.com/jaen-ofw-worldwide

bottom of page